start your own blog now!
 
Read other blogs...

tiny and thin

literature and politics

B u t t o n s

C o u n t e r

visited *loading* times

Powered by TagBoard Message Board
Name

URL or Email

Messages(smilies)

 
Thursday, 16 December 2004
Munting Kamatayan

Sali ng tulang A Little Death ni Eduardo Galeano

Hindi tayo pinapatawa ng pag-ibig sa pinakamalalim man nitong paglalakbay, ang rurok ng paglipad nito--sa pinakamalalim at pinakamataas, winawasak tayo nito mula sa ating hagulgol at ungol, paglalantad ng sakit, anumang saya, na kung iisipin mo'y hindi naman kakatwa sapagkat maging ang pagsilang ng sanggol ay masakit na ligaya.  Mumunting kamatayan ang tawag ng mga Pranses sa pithaya ng yakap, na nag-uugnay sa atin kapag tayo'y inilalayo at nakasusumpong sa atin habang tayo'y iwinawala nito, ang ating simula tulad kung paanong ito ri'y ating wakas.  Mumunting kamatayan ang tawag nila rito, ngunit ito'y marapat na mahusay, masidhi, ang isilang tayo habang pinapaslang. 

Posted by: ronalyn at 10:18 | link | comments (1) |

telebisyon/2

Salin ng tula ni Eduardo Galeano

Ipinapakita ba ng telebisyon kung ano ang nangyayari? Sa ating mga bayan, ipinapakita ng telebisyon kung ano ang nais nitong mangyari at walang nangyayari kung ito'y hindi ipinalabas sa telebisyon.  Telebisyon, ang huling liwanag na sumasagip sa iyo mula sa kalungkutan at mula sa gabi, ay katotohanan.  Sapagkat ang buhay ay palabas at binibigyang-pabuya ng sistema yaong mga nananahimik sa kanilang komportableng upuan.

Posted by: ronalyn at 10:04 | link | comments |